Upang mag-download ng mga indibidwal na kopya, gamitin ang mga sumusunod na direktang link: Mga gastos sa kotse (PDF, 231KB)This link will download a file
Ano ang maaari kong mahabol?
Maaari kang maghabol sa kabawasan ng buwis kung ginamit mo ang iyong kotse sa:
• paggawa ng iyong mga tungkulin sa trabaho
• pagdalo sa isang pagpupulong o miting na malayo sa iyong normal na lugar ng trabaho
• pagbiyahe nang direkta mula sa isang trabaho tungo sa isa pa
• pagbiyahe patungo at mula sa isang kahaliling lugar ng trabaho para sa parehong taga-empleyo sa parehong araw.
Sa pangkalahatan, hindi ka maaaring maghabol sa gastos ng mga normal na biyahe sa pagitan ng bahay at lugar ng trabaho, kahit na nakatira ka nang malayo mula sa karaniwan mong lugar ng trabaho.
Hindi ka maaaring maghabol ng kabawasan para sa gastos sa kotse na naibalik na sa iyo.
Hindi ka maaaring maghabol sa mga gastos sa kapital, katulad ng pinambili sa iyong kotse.
Kung gusto mong maghabol sa gastos sa kotse, maaari mong gamitin ang paraang logbook o ang paraang sentimo kada kilometro upang makalkula ang iyong kabawasan.
Ang paraang sentimo kada kilometro
Kung gagamitin mo ang paraang sentimo kada kilometro, ibabase mo ang iyong paghahabol sa isang nakatalagang rata kada kilometro. Sinasakop nito ang lahat ng mga gastos sa kotse pati ang pagbaba ng halaga ng kotse, rehistrasyon at paseguro, pagmimintina, pagkumpuni at gasolina. Hindi mo maaaring idagdag ang mga ito, o ang ibang mga gastos sa kotse, sa itaas ng rata kung nagkakalkula ng kabawasan ng iyong buwis.
Kung gagamitin mo ang paraang sentimo kada kilometro:
• maaari kang maghabol sa kabawasan hanggang 5,000km
• hindi mo kailangan ng mga resibo para sa iyong mga gastos
• kailangan mo ng rekord na nagpapakita kung paano mo kinalkula ang mga kilometro na kaugnay sa trabaho mo
• kailangan mong maipakita na ikaw ang may-ari ng kotse.
Paraang logbook
Ang paraang logbook ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong maghabol sa bahagi ng iyong mga gastos sa kotse na kaugnay sa trabaho. Maaaring kasama dito ang mga gastos sa pagpapatakbo ng kotse katulad ng mga bayad sa gasolina, langis at pagkumpuni, rehistrasyon, paseguro at ang pagbaba ng halaga.
Kailangan mo ng mga rekord na nagpapakita ng lahat ng mga gastos sa kotse, pati ang patunay na ikaw ang may-ari ng kotse. Kailangan mo ng isang tunay na logbook na nagpapakita:
• ng lahat ng iyong biyahe sa loob ng patuloy na 12‑linggong panahon
• ng destinasyon at layunin ng bawat biyahe
• ng nababasang bilang sa odometer sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat biyahe
• ng total na kilometrong biniyahe.
Ang iyong logbook ay magagamit ng 5 taon at maaari itong nakalagay sa papel o elektroniko.
Para sa bawat taon na umaasa ka sa iyong logbook, dapat itabi mo ang mga rekord ng odometer.
Ito ay isang pangkalahatang buod lamang. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa ato.gov.au/carexpenses o makipag-usap sa isang rehistradong propesyonal sa buwis.