ato logo
Search Suggestion:

Mga gastos sa pananamit at paglalaba

Deductions when you buy, repair or launder occupation-specific or protective clothing, or distinctive uniforms.

Published 11 July 2024

Upang mag-download ng mga indibidwal na kopya, gamitin ang mga sumusunod na direktang link: Mga gastos sa pananamit at paglalaba (PDF, 298KB)This link will download a file

Mga gastos sa pananamit

Maaari kang maghabol sa gastos ng pamimili, pag-uupa, pagkukumpuni o paglilinis sa mga kasuotang pantrabaho, kung ito ay pangprotekta, partikular sa trabaho, o isang katangi-tanging uniporme.

Hindi ka maaaring maghabol sa gastos ng pamimili, pag-uupa, pagkukumpuni o paglilinis sa mga ordinaryong damit na sinusuot mo sa trabaho, kahit na sinabi ng iyong taga-empleyo na ito ay sapilitan, o gamitin mo lamang ito sa trabaho.

Ang ‘conventional clothing’ ay ang pang-araw-araw na damit na isinusuot ng mga tao anuman ang kanilang trabaho, halimbawa, mga pantalon, damit pang-opisina at mga t-shirt.

Pangprotekta

Maaari kang maghabol ng kabawasan para sa damit na isinusuot mo para maproteksyunan ka laban sa totoo at maaaring mapanganib na pagkakasakit o pagkapinsala sa trabaho. Ang damit na pangproteksyon ay dapat may mga katangian o gamit na pangprotekta at maaaring kasama ang:

• mga tsaleko na may kulay-pangkaligtasan

• pangprotektang mga bota, boiler suit o apron

• damit na mahirap masunog

• mga di-madulas na sapatos ng mga nars.

Partikular na Trabaho

Maaari kang maghabol ng kabawasan sa buwis para sa damit na nagtutukoy sa iyo sa isang partikular na trabaho – halimbawa, ang checkered na pantalon ng isang chef.

Sapilitang uniporme

Maaari kang maghabol ng kabawasan sa sapilitang uniporme na nagtutukoy sa iyo bilang isang empleyado ng isang organisasyon. Dapat gawing sapilitan ng iyong taga-empleyo ang pagsuot ng uniporme sa pamamagitan ng isang kasunduan o patakarang mahigpit na pinatutupad sa lugar ng trabaho.

Di-sapilitang uniporme

Hindi ka maaaring maghabol ng kabawasan para sa mga di-sapilitang uniporme sa trabaho maliban kung ang iyong taga-empleyo ay nagparehistro sa disenyo ng damit sa Register of Approved Occupational Clothing at sinusuot mo ang uniporme sa lugar ng trabaho.

Paglalaba at mga pagkumpuni

Maaari kang maghabol ng kabawasan para sa gastos ng paglilinis at pagkukumpuni ng damit kung ang damit ay pangproteksyon, partikular sa trabaho, sapilitang uniporme o rehistrado bilang isang di‑sapilitang uniporme.

Ang makatwirang mga batayan para sa pagkalkula ng paghahabol para sa paglalaba ay maaaring:

• $1 bawat kargada sa washing machine kung ang karga ay naglalaman lamang ng mga damit na kaugnay sa trabaho

• 50c sa bawat kargada kung naghalo ang mga personal at pantrabahong damit.

Kailangan mong maipakita kung paano mo kinalkula ang bawat kargada sa paglaba para sa iyong paghahabol.

Maaari kang maghabol ng kabawasan para sa mga totoong gastos sa pagpapa-dry clean at pagkukumpuni ng mga damit na pangtrabaho sa mga kategoryang ito.

Ito ay isang pangkalahatang buod lamang. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa ato.gov.au/clothingandlaundry o makipag-usap sa isang rehistradong propesyonal sa buwis.

QC102724