Upang mag-download ng mga indibidwal na kopya, gamitin ang mga sumusunod na direktang link: Ang pagtatabi ng mga rekord tungkol sa mga gastos na kaugnay sa trabaho (PDF, 169KB)This link will download a file
Ano ang isang rekord?
Ang isang rekord ay kadalasang isang resibo na nagpapakita:
• kung saan mo nabili ang bagay
• kung magkano ang ibinayad mo
• kung ano ang binili mo
• ang petsa ng pagbili
• ang petsang nakalagay sa dokumento.
Ang iyong rekord ay maaaring nasa papel o elektroniko, kasama na ang mga litrato ng iyong mga resibo.
Hindi nilalaman ng isang bank o credit card statement ang lahat ng impormasyong ito, kaya hindi ito katanggap-tanggap na rekord.
Ang myDeductions sa ATO app ay isang kagamitan sa pagtatabi ng rekord na maaari mong gamitin upang masubaybayan ang iyong mga rekord sa elektroniko. I-download ang libreng app ngayon.
Paghahabol sa mga gastos na kaugnay sa trabaho
Kung maghahabol ka ng kabawasan sa mga gastos kaugnay sa trabaho, dapat may rekord ka ng mga gastos na nagpapakita na:
• ginastos mo ang pera
• ang gastos ay direktang nauugnay sa pagkakaroon ng kita.
Upang maipakita na ang mga gastos ay kaugnay sa pagkakaroon ng kita, kailangan mo ng isang diary o katulad na rekord na nagpapakita ng:
• paggamit sa pribado at kaugnay sa trabaho
• paano mo kinalkula ang halaga na iyong hinahabol bilang kabawasan.
Maaari ka lamang maghabol ng kabawasan para sa bahagi ng isang gastusing kaugnay sa trabaho.
Mga natatanging rekord ng mga gastusing kaugnay sa trabaho
Maraming iba’t-ibang mga rekord na kailangan mong itabi, depende sa uri ng mga gastusing kaugnay sa trabaho na hinahabol mo. Halimbawa, karagdagan sa mga resibo, sa pangkalahatan ay kailangan mong itabi ang mga ibang uri ng rekord para sa:
• mga gastos sa kotse
• pananamit at paglalaba
• mga gastos sa pansariling edukasyon
• mga gastos habang nagtatrabaho mula sa bahay
• mga gastos sa magdamagang paglalakbay.
Gaano katagal itatabi ang iyong mga rekord
Kailangan mong itabi ang iyong mga rekord ng 5 taon mula sa petsa ng paghain mo ng iyong tax return. Sa ilang mga sitwasyon, itong panahon ay maaaring mapahaba.
Ang kahalagahan ng pagtatabi ng rekord
Kung rerepasuhin namin ang iyong tax return at wala kang mga ebidensyang pansuporta sa iyong paghahabol sa pagbawas ng buwis, ang iyong paghahabol ay maaaring hindi mapagbigyan (aalisin sa iyong tax return).
Ang mahusay na pagtatabi sa mga rekord ay nakakatulong sa iyo:
• sa pagbibigay ng ebidensya ng iyong mga gastos
• sa paghahanda ng iyong tax return
• sa pagtitiyak na maaari mong mahabol ang lahat ng iyong mga karapatan
• na mabawasan ang peligro sa mga pagtatasa at pagsasaayos ng buwis.
Ito ay isang pangkalahatang buod lamang. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa ato.gov.au/keepingrecords o makipag-usap sa isang rehistradong propesyonal sa buwis.