ato logo
Search Suggestion:

Buwis sa Australia: ano ang dapat mong malaman

Last updated 22 September 2021

Kung bago ka sa Australia o Ingles ang iyong ikalawang wika, ang maikling paliwanag na ito ay tutulong na sasagot sa ilang katanungan tungkol as buwis sa Australia. Ang publikasyong ito ay maaari ring makuha sa iyong gustong wika.

Makaka-download ka ng kopya ng impormasyon na ito sa portable document format – Buwis sa Australia: ano ang dapat mong malaman (PDF, 381KB)This link will download a file

Sa patnubay na ito:

Bakit tayo nagbabayad ng buwis

Bilang mga Australyano, tinatamasa natin ang akses sa mahusay na sistemang pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon at sari-saring mga pasilidad ng komunidad (halimbawa, mga parke at playground) na sinusuportahan sa pamamagitan ng mga pangongolekta ng buwis.

Kinokolekta ng Australian Taxation Office (ATO) ang mga buwis na ito para makapagbigay ang Pamahalaan ng Australia ng mga serbisyo, kabilang ang:

  • pangangalaga ng kalusugan
  • edukasyon
  • depensa
  • mga kalsada at riles
  • mga pagbabayad para sa welfare, tulong sa kalamidad at mga pensyon.

Bago ka magsimulang magtrabaho

Sa seksyong ito:

Pahintulot na magtrabaho sa Australia

Bago ka magsimulang magtrabaho sa Australia, kailangan mong kumuha ng pahintulot mula sa Department of Home Affairs kung ikaw ay isang dayuhang residente. Ang Home Affairs ay maaaring makapagbigay sa iyo ng kapaki-pakinabang na impormasyon kabilang ang aling mga visa na pinapayagan kang magtrabaho sa Australia.

Susunod na hakbang:

Kumuha ng tax file number

Ang iyong tax file number (TFN) ay ang iyong personal na pansangguning numero (reference number). Libre ang pagkuha ng TFN.

Dapat na kumuha ka ng TFN bago magsimulang magtrabaho o kaagad pagkatapos na magsimulang magtrabaho, kung hindi man magbabayad ka ng mas malaking buwis. Nag-iisyu kami ng mga TFN sa mga indibidwal, mga negosyo at iba pang mga organisasyon para sa mga layunin ng pagkilala at pagtatabi ng rekord.

Kung paano ka mag-a-apply para sa iyong TFN ay magdedepende sa iyong sitwasyon.

Kapag nagkukumpleto sa iyong aplikasyon, kailangan mo ang mga dokumento upang patunayan ang iyong pagkakakilanlan.

Maaaring tumagal ng 28 araw upang iproseso ang iyong aplikasyon sa TFN at ipadala ang iyong TFN sa iyong address.

Kapag natanggap mo ang iyong TFN mahalaga na panatilihin itong ligtas at huwag hayaang gamitin ito ng sinumang tao.

Susunod na hakbang:

Ang Australian business number (ABN) (Numero para sa pagnenegosyo sa Australia) ay para sa negosyo

Hindi lahat ay may karapatan para sa o nangangailangan ng Australian business number (ABN) para magtrabaho sa Australia. Ang pagkakaroon ng ABN ay nangangahulugan na ikaw ay:

  • nagsisimula ng iyong sariling negosyo
  • kailangang magbayad ng sarili mong buwis sa amin
  • maaaring mangailangang magbayad para sa iyong sariling super
  • maaaring walang seguro kung napinsala ka.

Tingnan din:

Kapag magsisimula ka ng magtrabaho

Sa seksyong ito:

Kumpletuhin ang isang deklarasyon ng tax file number

Kapag magsisimula ka ng magtrabaho, hihilingin sa iyo ng iyong taga-empleyo na punan ang form na Tax file number declaration (Deklarasyon ng tax file number) upang sabihin sa kanila ang iyong TFN at personal na impormasyon.

Ginagamit nila ang deklarasyong ito upang kalkulahin kung magkano ang buwis na kailangan mong bayaran. May 28 araw ka upang kumpletuhin ang deklarasyon at ibigay ito sa iyong taga-empleyo. Kung hindi mo ito ibibigay, kailangan nilang kumuha ng buwis mula sa iyong sahod sa pinakamalaking rate.

Kung ikaw ay residente ng Australia para sa mga layunin ng buwis, maaari kang mag-claim ng threshold na walang buwis kapag nakumpleto mo ang iyong deklarasyon. Ibig sabihin nito na ang unang $18,200 ng iyong taunang kita ay hindi papatawan ng buwis.

Sa pangkalahatan, makaka-claim ka lang sa threshold na walang buwis mula sa isang taga-empleyo. Kung ikaw ay may higit sa isang taga-empleyo, dapat mong i-claim ang iyong threshold na walang buwis mula sa taga-empleyo na nagbabayad ng pinakamalaking suweldo o sahod.

Tingnan din:

Pagbabayad ng buwis

Kapag binabayaran ka ng iyong taga-empleyo ng iyong suweldo o sahod, kukunin nila ang para sa buwis at ipapadala ito sa amin. Ipapakita sa iyong payslip kung anong halaga ng buwis ang binayad mo. Sa katapusan ng pinansyal na taon, ang pahayag ng iyong kita o buod ng pagbabayad ay magpapakita sa iyong kabuuang kita mula sa iyong taga-empleyo at kung anong halaga ng buwis ang kinuha. Ang iyong pahayag ng kita ay makukuha sa ATO online services sa pamamagitan ng myGov.

Ang halaga ng buwis mo ay magdedepende sa:

Ang ilang taga-empleyo ay gugustuhing bayaran ka ng cash sa halip na magdeposito sa iyong bank account. Okey lang ito, kung sila ay:

  • magkakaltas ng buwis mula sa pera na binayad nila sa iyo
  • magbibigay sa iyo ng mga payslip na nagpapakita kung magkano ang buwis na kinaltas
  • magbayad sa mga kontribusyon sa super sa ngalan mo (kung may karapatan ka para sa super).

Kung magsisimula ka sa trabaho bago ka magkakaroon ng TFN, may 28 araw ka upang makakuha nito at ibigay ito sa iyong taga-empleyo. Kung hindi mo ito ibibigay, kailangang kunin ng taga-empleyo ang buwis mula sa iyong sahod sa pinakamalaking rate.

Tingnan din:

Superannuation

Ang superannuation (super) ay pera na itinatabi sa panahon ng iyong buhay pagtatrabaho upang makapaglaan para sa iyong pagreretiro. Kapag nagsisimula ng bagong trabaho, mahalaga na maunawaan mo kung paano gumagana ang super at malaman kung ano ang mga karapatan at makukuha mo.

Ang pera ng super ay ibinabayad na dagdag sa iyong suweldo. Kung karapat-dapat ka para sa super, kailangang magbayad ang iyong taga-empleyo ng mga kontribusyon sa super sa isang super fund account. Pinipili ng karamihan ng mga tao ang super fund kung saan ibinabayad ang mga kontribusyong ito.

Mahalaga na regular mong susuriin ang iyong super upang masiguro na ginawa ang tamang mga pagbabayad ng super sa iyong super account.

Tingnan din:

Ang iyong tax return

Sa seksyong ito:

Sino ang nangangailangang maghanda ng tax return?

Bilang indibidwal, kailangan mong magsumite ng isang tax return kung:

  • kinuha ang buwis mula sa iyong suweldo sa panahon ng tax year (ika-1 ng Hulyo hanggang ika-30 ng Hunyo)
  • ang iyong kita na maaaring patawan ng buwis (kabilang ang ilang mga pagbabayad ng Pamahalaan ng Australia) ay lampas sa mga partikular na threshold para sa mga residente
  • ikaw ay isang dayuhang residente at kumita ng $1 o higit pa sa Australia sa panahon ng tax year (hindi kabilang ang kita na may na-withhold na withholding tax para sa di-residente)
  • ikaw ay aalis sa Australia nang permanente o ng higit sa isang tax year

Ginagamit namin ang impormasyon mula sa iyong tax return, katulad ng iyong kita at halaga ng buwis na nabayaran mo, upang kalkulahin kung kailangan mong magbayad ng karagdagang buwis o kung ibabalik sa iyo ang pera mo (isang tax refund).

Tingnan din:

Impormasyong kailangan mong isumite

Upang magsumite ng isang tax return, kailangan mong malaman:

  • kung magkano ang kita na nakuha mo mula sa pagtatrabaho (kasama ang anumang mga cash payment), mula sa interes sa mga bank account o pamumuhunan
  • kung magkanong buwis ang iwi-withhold mula sa iyong kita (kung gaano karaming pera ang kinukuha mula sa iyong sahod ng iyong taga-empleyo at ipinadala sa amin)
  • tungkol sa anumang pagkakaltas at mga offset sa buwis na iyong kini-claim.

Ang mga pagkakaltas ay mga gastos na iyong kini-claim upang mabawasan ang iyong buwis. Ang karamihan ng iyong mga pagkakaltas ay mga gastos na nauugnay sa trabaho. Ito ay pera na iyong nagastos sa isang bagay na tumutulong sa iyo na kitain ang iyong kita. Kailangang maipakita mo na:

  • ang mga gastos ay direktang nauugnay sa kita na kinita mo
  • ang mga gastos ay hindi para sa pribadong layunin
  • dapat ikaw ay may rekord upang mapatunayan ang iyong mga gastos (karaniwan na isang resibo).

Kailangang magbigay sa iyo ang iyong taga-empleyo ng pahayag ng kita o isang buod ng pagbabayad. Magpapakita ito kung gaano kalaking kita ang iyong natamo at gaano kalaking buwis ang binayad mo.

Mga susunod na hakbang:

Pagtatabi ng rekord

Kapag nagsumite ka ng iyong tax return, ipoproseso namin ito at kakalkulahin namin kung nakabayad ka ng tamang halaga ng buwis. Sasabihin namin sa iyo ang resulta sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng abiso ng pagtatasa.

Kailangang magtabi ka ng mga rekord, katulad ng mga resibo, para sa anumang mga pagkakaltas na iyong kini-claim. Kailangan mong panatilihin at itabi ang mga rekord na ito nang hindi kukulangin sa limang taon mula sa petsa na isinumite mo ang iyong tax return. Maaari naming hilingin na ipakita sa amin ang mga rekord na ito.

Ang myDeductions ay isang kombinyenteng paraan upang maitabi ang iyong mga rekord ng gastos at kita sa isang lugar. I-download ang ATO app sa iyong smart device at piliin ang myDeductions icon.

Tingnan din:

Kumpletuhin at isumite ang iyong tax return

Sa seksyong ito:

Kailan magsusumite

Maaari kang magsumite gamit ang myTax, sa pamamagitan ng isang nakarehistrong ahente ng buwis o pagkukumpleto ng isang nasa papel na tax return. Ang iyong mga tax return ay sumasaklaw sa taon ng kita mula ika-1 ng Hulyo hanggang ika-30 ng Hunyo. Ang iyong tax return ay dapat masumite o kailangang kumuha ka ng ahente ng buwis sa pagsapit ng ika-31 ng Oktubre.

Kung magsusumite ka online sa pamamagitan ng myTax o gamit ang ahente ng buwis, paunang pupunan namin ang iyong tax return ng impormasyon na mayroon na kami. Halimbawa, ang iyong kita bilang empleyado at interes sa bangko. Para sa karamihan ng mga tao, handa na ito sa katapusan ng Hulyo. Ang paghihintay na pauna naming pupunan ang iyong impormasyon ay gagawing mas madali at mas tumpak ang pagsagawa ng iyong tax return.

Pauna naming ipupuno ang impormasyon kada pagkakataong matanggap namin ito, kung kaya't kailangan suriin mo na wasto ang mga detalye at idagdag ang anumang kulang dito.

Tingnan din:

Magsumite online gamit ang myTax

Maaari kang magsumite ng iyong tax return online gamit ang myTax. Ito ay mabilis, madali, ligtas at protektadong paraan sa pagsumite online.

Upang gamitin ang myTax, kailangan mo munang lumikha ng myGov account, at i-link ang iyong account sa ATO online services. Nirerekomenda namin na mag-link ka bago ang panahon ng buwis (ika-1 ng Hulyo) upang masiguro na matatanggap mo ang lahat ng mga komunikasyon at walang anumang mga pagka-antala sa pagsusumite ng iyong tax return.

Kapag na-link ka na sa ATO online services, makaka-akses ka sa myTax upang isumite ang iyong tax return.

Susunod na hakbang:

Magsumite sa pamamagitan ng isang nakarehistrong ahente ng buwis

Maaari kang gumamit ng isang nakarehistrong ahente ng buwis upang maghanda at magsumite ng iyong tax return. Kailangang kontakin mo siya bago ang ika-31 ng Oktobre.

Susunod na hakbang:

Tulong at suporta para magsumite

Sa panahon ng pagbabayad ng buwis, makakakuha ka ng libreng tulong sa iyong buwis. Ang aming serbisyo ng Tax Help ay para sa mga taong ang kita ay humigit-kumulang $60,000 o mas kaunti pa bawat taon. Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng iyong tax return, maaaring makatulong sa iyo ang aming mga sinanay na boluntaryo. Nagbibigay sila ng libre at kompidensiyal na serbisyo upang tulungan ang mga tao na kumpletuhin ang kanilang mga tax return online gamit ang myTax.

Ang Tax Help ay nasa lahat ng mga kapital na lungsod at maraming iba pang mga lugar sa Australia mula Hulyo hanggang Oktubre bawat taon.

Susunod na hakbang:

Protektahan ang iyong impormasyon

Mahalagang protektahan ang iyong personal na impormasyon

Ang iyong TFN ay iyo sa habambuhay, kung kaya't panatilihin itong protektado. Mananatiling pareho ang iyong TFN kahit pa magbago ang iyong pangalan o address, magpalit ka ng trabaho, lumipat sa ibang estado, o pumunta sa ibang bansa.

Huwag hayaang gamitin ng ibang tao ang iyong TFN, kahit na iyong mga kaibigan o mga kamag-anak. Ang pagpapahintulot ng ibang tao na gamitin ito, ang pagbibigay nito sa ibang tao o pagbebenta nito ay isang krimen.

Dapat mo lang ibigay ang iyong TFN sa:

  • amin kapag tinatalakay ang iyong mga rekord ng buwis
  • iyong taga-empleyo pagkatapos na magsimula kang magtrabaho, subalit huwag itong ibigay sa mga aplikasyon ng trabaho
  • iyong bangko o iba pang mga pinansyal na institusyon
  • Services Australia
  • iyong nakarehistrong ahente ng buwis
  • iyong superannuation (super) fund
  • tagapagbigay sa iyo ng mataas na edukasyon o unibersidad upang ma-akses ang iyong student loan katulad ng Higher Education Loan Program (HELP).

Kung sa tingin mo na ang TFN ay nawala, ninakaw o ginamit sa maling paraan, iulat ito kaagad sa amin.

Siguraduhing mapanatili mong ligtas ang mga detalye ng personal na pagkakakilanlan upang makatulong na maiwasan ang mga krimen sa pagkakakilanlan. Nangyayari ang mga krimen sa pagkakakilanlan kapag ginagamit ang mga detalye ng pagkakakilanlan ng tao upang makagawa ng krimen. Tandaan:

  • huwag ibahagi ang iyong myGov o iba pang mga online password kanino man – kahit ang iyong ahente ng buwis (kung gumagamit ka ng ganitong serbisyo) ay hindi kailangan ito
  • huwag isama ang iyong TFN, mga password o iba pang mga sensitibong impormasyon sa mga email.

Ang mga panlolokong email, fax, SMS o tawag sa telepono ay maaaring magmukhang totoo at makakapagkombinsi sa isang tao. Magkaroon ng malay at kung hindi ka sigurado kung kanino galing ang komunikasyon, kontakin kami o bumisita sa Beripikahin o iulat ang panloloko.

Tingnan din:

QC66819