Ipinapakita ng video na ito kung paano makukuha ang DASP:
Media: Don't leave your money behind
https://tv.ato.gov.au/ato-tv/media?v=bd1bdiubw6r78tExternal Link (Duration: 1:23)
Pagiging karapat-dapat para sa DASP
Kung nagtrabaho ka sa Australya na may hawak ng temporary visa, maaaring nakaipon ka ng superannuation na binayaran ng iyong taga-empleyo bilang compulsory super guarantee.
Maaaring kwalipikado ka sa super (at anumang mga kinita at iba pang mga kontribusyon) na binayaran para sa iyo (menos ang buwis) bilang superannuation payment (DASP) paglabas mo ng Australya.
Kadalasan, makakakuha ka ng DASP kung naaangkop ang lahat ng mga sumusunod:
- nakaipon ka ng superannuation habang nagtatrabaho (sa Ingles) sa Australya gamit ang temporary resident visa na inisyu sa ilalim ng Migration Act 1958 (puwera ang mga Subclass 405 at 410)
- Ang iyong visa ay nawalan na ng bisa (paso na o nakansela)
- umalis ka na sa Australya (sa Ingles) at wala kang hinahawakang anumang iba pang aktibong visa para sa Australya
- hindi ka mamamayan ng Australya o New Zealand, o isang permanenteng residente ng Australya (kung ikaw ay isang mamamayan ng New Zealand na permanenteng aalis sa Australya, baka maaari mong ilipat ang iyong super sa New Zealand (sa Ingles).
Bagama’t hindi mo make-claim ang DASP hangga’t hindi ka pa nakakaalis ng Australya, mariin naming ipinapayo na kunin mo ang lahat ng kinakailangan mong impormasyon at simulan ang iyong pag-aaplay bago ka umalis. Maaaring mahirapan kang simulan ang proseso kapag nakaalis ka na.
Paghahanap sa iyong super
Kung nagtrabaho ka sa maraming tagapag-empleyo, maaaring mayroon kang mahigit sa isang super account at ito ay maaaring nasa iba't ibang super fund.
Kung hindi ka sigurado kung nasaan ang iyong super, maaari mo itong hanapin sa pamamagitan ng:
- paggamit ng DASP online application systemExternal Link (sa Ingles) kapag natugunan mo ang mga hinihiling para maging karapat-dapat at ibinigay mo ang iyong TFN
- paggamit ng ATO online services (mga online service ng ATO) (sa Ingles) o ng ATO app (pagkatapos lumikha ng myGov account at paglink nito sa ATO)
- pagtawag sa amin sa telepono (sa Ingles).
Inaatasan ang mga taga-empleyo na magbayad ng mga kontribusyon sa super bawat tatlong buwan, kaya kailangang tanungin mo ang iyong taga-empleyo kung nabayaran lahat ng mga kontribusyon sa iyong fund bago ka magsumite ng iyong aplikasyon.
Kung hindi ka mag-aaplay para sa iyong DASP, ang iyong super fund ay maglilipat ng super money sa ATO bilang hindi kinuhang super money.
- anim na buwan o mahigit na mula nang umalis ka ng Australya, at
- wala nang bisa ang iyong visa.
Maaari kang mag-claim ng ATO-held super (super na hawak ng ATO) (sa Ingles) bilang DASP.
Paano kukunin ang iyong super
Maaari kang mag-aplay para sa isang DASP sa pamamagitan ng:
- DASP online application systemExternal Link (sa Ingles) – para sa super fund at ATO-held super
- isang porma sa papel
- para sa super na hinahawakan ng super fund, gamitin ang Application for a departing Australia superannuation payment form (Form sa aplikasyon para sa departing Australya superannuation payment) (NAT 7204) (sa Ingles) - ipadala ang form na ito nang direkta sa super fund
- para sa ATO-held super, gamitin ang Application for payment of ATO-held superannuation money (Aplikasyon para sa pagbayad ng superannuation money na hinahawakan ng ATO) (NAT 74880) (sa Ingles)– ipadala ang form na ito sa address na nakalista sa form.
- sa pamamagitan ng pag-awtorisa sa isang tao na kumuha nito sa iyong ngalan
Bago isumite ang iyong aplikasyon para sa DASP makipag-usap sa iyong taga-empleyo upang kumpirmahin kung nabayaran nila ang lahat ng super na inatasan silang bayaran.
Mga online na aplikasyon
Maaari mong gamitin ang DASP na online application system nang walang bayad.
Ang mga online application ay ititiyak sa Department of Home AffairsExternal Link (sa Ingles), na silang magpapatunay sa iyong estado ng imigrasyon at visa.
Maaari mo lang isumite ang isang aplikasyon ng DASP kapag nakaalis ka na ng Australya at wala kang hinahawakang aktibong visa. Subalit, nirerekomenda namin na umpisahan mo ang iyong aplikasyon habang nasa Australya ka at ihanda ang lahat ng iyong mga nauugnay na impormasyon.
Tandaan ang impormasyon na iyong ipinasok noong inumpisahan mo ang iyong online na aplikasyon. Kakailanganin mo ang parehong mga detalye upang muling simulan ang iyong na-save na aplikasyon pagkatapos mong umalis ng Australya.
Kung ang halaga ng iyong super money ay $5,000 o mahigit pa, mangangailangan ang iyong super fund ng mga sertipikadong kopya ng mga dokumento ng iyong katibayan ng pagkakakilanlan (proof of identification).
Mas madali na sertipikahan ang mga dokumento habang nasa Australya ka. Dahil may mga partikular na panuntunan kung sino ang maaaring makapagsertipika ng mga dokumento kung kaya't inirerekomenda naming gawin mo ito bago ka umalis. Makipag-ugnayan sa iyong super fund upang makumpirma kung anong dokumentasyon ang kinakailangan.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano gamitin ang sistema, tingnan ang Help with the DASP online application system (Tulong sa online application system ng DASP) (sa Ingles).
Mga papel na aplikasyon
Para sa super na hawak ng isang super fund, kailangan mong kumpletuhin ang Application for departing Australia superannuation payment form (Form ng aplikasyon para sa departing Australya superannuation payment) (NAT 7204) (sa Ingles) at ipadala ang isa sa bawat super fund mo.
Kung nag-aaplay ka sa pormang nasa papel, ang iyong super fund ay maaaring singilin ka ng bayad, depende sa halaga ng iyong super money. Mangangailangan rin ang iyong super fund ng mga sertipikadong kopya ng mga dokumento ng iyong katibayan ng pagkakakilanlan (proof of identification).
Mas madali na sertipikahan ang mga dokumento habang nasa Australya ka. Dahil may mga partikular na panuntunan kung sino ang maaaring makapagsertipika ng mga dokumento kung kaya't inirerekomenda naming gawin mo ito bago ka umalis. Makipag-ugnayan sa iyong super fund upang makumpirma kung anong dokumentasyon ang kinakailangan.
Para sa ATO-held super, gamitin ang Application for payment of ATO-held superannuation money (Aplikasyon para sa pagbayad ng superannuation money na hinahawakan ng ATO) (NAT 74880) (sa Ingles) at ipadala nang direkta sa amin. Walang gastos para sa mga papel na aplikasyon na ipapadala sa ATO.
Halaga ng super na $5,000 o mahigit pa
Para sa mga super account na may balanse na $5,000 o mahigit, ang pag-aplika sa papel para sa mga super fund ay maaaring mangangailangan ng Certification of Immigration Status (Sertipikasyon sa Katayuang Pang-imigrasyon) mula sa Home Affairs, na nagpapabayad upang makapagbigay nitong sertipiko. Direkta nilang ii-email sa iyo ito at ang mga super fund na iyong ino-nominate.
Kapag hindi tama ang impormasyon sa visa na nasa sertipiko, kailangan mong mag-email sa GCN.admin@homeaffairs.gov.au upang iwasto ang ito at ipagbigay-alam ito sa iyong super fund. Gagamitin ng iyong super fund ang impormasyon sa visa na ibinigay mo upang tukuyin ang angkop na DASP tax rate.
Humiling ng isang Certificate of Immigration Status mula sa Home Affairs gamit ang Form 1194 Certification of Immigration Status (Form 1194 ng Sertipiko ng Katayuan sa Imigrasyon) (PDF 290KB)This link will download a file (sa Ingles).
Halaga ng super na wala pang $5,000
Para sa mga super account na may balanse na wala pang $5,000, maaari kang magbigay ng ebidensya na umalis ka na ng Australya at nag-expire na ang iyong visa nang hindi mo kinukumpleto ang Certification of Immigration Status.
Tanungin sa namamahala ng iyong super fund kung anong mga ebidensya ang kailangan mong ibigay. Kung hindi mo mismo maibibigay ang ebidensya, maaaring hilingin sa iyo ng iyong super fund ang Certification of Immigration Status mula sa Home Affairs bago nila maproseso ang iyong aplikasyon.
Kung nagkaroon ka ng working holiday maker (WHM) na visa at hindi ka pa nag-aplay para sa Certification of Immigration Status mula sa Home Affairs, kakailanganin mong magbigay ng iyong impormasyon sa visa sa papel na aplikasyon. Ang impormasyon sa visa na iyong ibibigay ay maaaring siyasatin sa pamamagitan ng paghahambing ng impormasyon sa mga rekord ng Home Affairs at maaaring mas tumagal ang proseso ng iyong aplikasyon kung hindi ito magtutugma.
Pag-awtorisa ng isang tao na kumuha nito sa iyong ngalan
Maaari mong bigyan ng awtorisasyon ang ibang tao na mag-aplay para sa iyong DASP. Makakakilos siya sa iyong ngalan at makaka-update sa iyong impormasyon, kung kaya't masusing pag-isipan kung sino ang pahihintulutan mong kumatawan sa iyo.
Ang iyong kinatawan ay mangangailangan ng isang nakasulat na awtoridad mula sa iyo bago sila makapagsumite sa iyong aplikasyon ng DASP.
Maaari mong i-nominate ang sinuman sa:
- isang ahente ng buwis na may ganap na rehistrasyon o kondisyonal na rehistrasyon para sa layunin ng pagkuha ng DASP sa Tax Practitioners Board
- ibang tao kung gagamit ka ng DASP porma sa papel.
Ang mga rehistradong tax agent ay maaaring mag-claim ng DASP para sa iyo gamit ang DASP online intermediary application system (DASP online na sistema ng intermediary application) (sa Ingles).
Sinumang nag-aaplay sa ngalan mo gamit ang form na papel ay kailangang kumumbinsi sa iyong super fund na may awtorisasyon sila upang kunin ang iyong DASP sa ngalan mo. Tanungin ang iyong super fund kung ano ang mga kinakailangan nilang mga dokumento.
Pag-aplay para sa super ng isang namatay na pansamantalang residente
Kung naniniwala ka na maaaring karapat-dapat ka na tumanggap ng mga benepisyo ng super ng isang namatay na pansamantalang residente, hindi mo magagamit ang application system upang mag-aplay.
Upang mag-aplay para sa super na hinahawakan (sa Ingles) ng fund para sa isang namatay na pansamantalang residente, kontakin nang direkta ang fund.
Kung naniniwala ka na karapat-dapat ka upang kunin ang super na hinahawakan ng ATO para sa isang namatay na pansamantalang residente, kailangan mong kumpletuhin ang nauugnay na form ng ATO-held super (super na hinahawakan ng ATO) (sa Ingles).
Pagbabalik sa Australya pagkatapos mag-claim ng DASP
Pagbabalik sa Australya sa kalaunan gamit ang bagong visa
Ang pagkuha ng DASP ay hindi makakaapekto sa anumang aplikasyon sa visa sa hinaharap.
Permanenteng pagbabalik sa Australya
Kung nakabalik ka na sa Australya bilang isang permanenteng residente at inilipat ng iyong super fund ang iyong super sa amin bilang 'nakaraang pansamantalang residente - hindi nakuhang super', maaari mong gawin ang alinman sa:
- ilipat pabalik ang pera na ito sa isang super fund ng Australya
- mag-aplay para direkta itong ibayad sa iyo, kung natugunan mo ang lahat ng mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.
Kahit ano sa kanila, ang kabayaran ay tinuturing pa rin na isang DASP at titingnan sang-ayon sa kaugnay na DASP tax rate.
Upang ilipat ang iyong super pabalik sa isang super fund, tawagan ang aming linya sa mga tanong tungkol sa superannuation sa 13 10 20.
Upang mag-aplay para sa DASP, kung nakabalik ka na nang permanente sa Australya, gamitin ang Application for payment of ATO-held superannuation money (Aplikasyon para sa pagbabayad ng superannuation money na hinahawakan ng ATO) (NAT 74880) (sa Ingles) at direktang ipadala ito sa amin.
Paano at kailan babayaran ang DASP
Sa pangkalahatan, ang iyong DASP ay babayaran sa loob ng 28 araw ng pagtanggap ng iyong nakumpletong aplikasyon. Maaaring mas matagal kung naisumite mo ang isang di-kumpletong aplikasyon o hiniling sa iyo na magsumite ng karagdagang mga pansuportang dokumento.
May tatlong opsyon sa pagbabayad:
- electronic funds transfer (EFT) sa isang bank account sa Australya
- tseke na dolyares ng Australya
- international money transfer (IMT) – para lamang sa mga aplikasyon sa super funds.
Hindi lahat ng mga super fund ay nag-aalok ng IMT. Ang mga bayarin at singil (kabilang ang pag-convert ng pera) ay maaaring ilapat kung kaya't makipag-ugnayan sa iyong fund upang malaman kung anong mga opsyon sa pagbabayad ang magagamit.
Karaniwang ang EFT ang pinaka-epektibong opsyon sa pagbabayad at nirerekomenda naming panatilihin mo ang iyong bank account sa Austalya upang makatanggap ng kabayaran ng iyong DASP.
Kumpirmahin sa iyong bangko sa Australya na maaari mong ayusin na ibayad ang pera sa isang account sa bansang pinagmulan mo.
Para sa ATO-held super, maaari ka lang pumili ng EFT sa isang bank account sa Australya na nakapangalan sa iyo o tseke .
Paano binubuwisan ang DASP
Isang huling buwis ng DASP ang iwi-withhold mula sa iyong bayad sa panahong isasagawa ito. Ang kabayaran ay maaaring may dalawang bahagi, ang may buwis at ang walang buwis.
Iba't-ibang mga tax rate ang ilalapat sa mga may hawak ng working holiday maker (WHM) visa.
Bahagi ng pagbabayad |
Ordinaryong tax rate ng DASP (para sa hindi WHM) |
Tax rate ng DASP WHM |
---|---|---|
Bahagi ng pagbabayad na walang buwis |
nil |
nil |
Bahaging papatawan ng buwis – elementong binubuwisan |
35% |
65% |
Bahaging papatawan ng buwis – elementong hindi binubuwisan |
45% |
65% |
Ang tagapagbayad ng DASP ay kailangang mag-isyu sa iyo ng buod ng pagbabayad ng DASP sa loob ng 14 araw ng pagsasagawa ng pagbabayad. Ang buod ng pagbabayad ng DASP ay magsasabi sa iyo ng halaga ng buwis ng DASP na ini-withhold at ang halaga na ibinayad sa iyo.
Ang mga buod ng pagbabayad ng DASP na inisyu ng ATO ay may 'H' indicator ng uri ng DASP kapag nilapatan ng tax rate ng DASP WHM. Ang indicator ay blangko kung saan inilapat ang ordinaryong tax rate ng DASP.
Paano inilalapat ang mga tax rate
Ang tax rate ng DASP ay indibidwal na tutukuyin ng bawat super fund, dahil ang bawat fund ay nagsasagawa ng hiwalay na pagbabayad.
Tatasahin ng bawat super fund ang iyong aplikasyon at tutukuyin nila ang tax rate na ilalapat batay sa impormasyon na hawak nito na may kaugnayan sa iyong mga kontribusyon.
Kung nagkaroon ka ng WHM na visa, susuriin ng iyong super fund kung kasama sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa super na ginawa habang mayroon kang WHM na visa. Kung mayroong halagang ito, ilalapat ng fund ang tax rate ng DASP WHM Kung wala ito, ilalapat ang fund sa ordinaryong tax rate ng DASP.
Ang iba't ibang tax rate ng DASP na maaaring ilapat ay nasa buod sa ibaba:
- Kung hindi ka kailanman nagkaroon ng WHM na visa – ilalapat ang ordinaryong tax rate ng DASP.
- Kung nagkaroon ka lang ng WHM na visa at nauugnay na mga bridging visa – ilalapat ang tax rate ng DASP WHM.
- Kung nagkaroon ka ng WHM na visa at ibang uri ng visa – ang tax rate na ilalapat ay magdedepende kung kasama sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa super na ginawa habang mayroon kang WHM na visa. Kung mayroong halagang ito, ang tax rate ng DASP WHM ay ilalapat sa buong halaga. Kung wala ito, ilalapat ang ordinaryong mga tax rate ng DASP.
Hindi mahalaga kung kailan ka nagkaroon ng WHM na visa. Ang tax rate ng DASP WHM ay ilalapat kung nagkaroon ka ng 417 or 462 at mga nauugnay na bridging visa at kasama sa DASP ang mga halaga na naiuugnay sa mga kontribusyon sa super na ginawa habang may hawak kang nauugnay na visa.
Ang tax rate ng DASP WHM ay ilalapat sa buong kabayaran, kabilang ang anumang super na maaaring kinita mo habang nagtatrabaho ka sa ilalim ng ibang visa.
Kung sa tingin mo ay may na-withhold na buwis na hindi tama
Kung naniniwala ka na ang iyong super fund ay nag-withhold ng maling halaga ng buwis mula sa iyong DASP, dapat mong kontakin ang iyong super fund at humiling ng refund. Kailangan mong gawin ito sa parehong pinansyal na taon kung kailan binayaran ang iyong DASP.
Kung ang iyong kahilingan para sa isang refund ay ginawa pagkatapos ng financial year kung kailan binayaran ang iyong DASP, o kung ang iyong DASP ay binayaran namin, at sa tingin mo ay may hindi tamang halaga ng buwis mula sa iyong DASP ang hindi pa ibinigay, maaari kang maghain ng nakasulat na refund request sa amin.
Kailangan mong ipaliwanag ang iyong mga kalagayan at maglakip ng ebidensya ng hindi tamang halaga na na-withhold.
Sumulat sa amin sa:
Australian Taxation Office
PO BOX 1032
ALBURY NSW 2640
Kung kami ay nagdesisyon na hindi ibalik (refund) ang isang halaga (buo, o bahagi lang), ito ay isang taxation decision na maaari kang magreklamo.
Bukod pa sa mga opsyon sa itaas, kung binayaran namin ang iyong DASP, maaari kang maghain ng pagsalungat (sa Ingles) sa dahilan na ang halaga ay di-tamang ibininbin (withheld), ayun sa section 20P ng Superannuation (Unclaimed Money and Lost Members) Act 1999.
Huwag isama ang DASP sa iyong tax return
Hindi bahagi ang DASP sa iyong kita na maaring tasahin para sa mga layunin ng pagbubuwis ng Australya.
Isang panghuling buwis ang iwi-withhold mula sa DASP kapag ginawa ang pagbabayad – kung kaya't huwag isama ang alinmang pagbabayad sa iyong tax return.
Ano ang mga visa na working holiday maker?
Ikaw ay WHM kung may hinahawakan kang isa sa sumusunod na mga visa:
- isang 417 (Working Holiday) na visa
- isang 462 (Work and Holiday) na visa
- isang nauugnay na bridging visa, na ibig sabihin
- isang bridging visa na inisyu kaagad pagkatapos ng isang 417 o 462 na visa at kaagad bago ang ikalawang 417 o 462 na visa
- isang bridging visa na inisyu kaagad pagkatapos ng isang 417 o 462 na visa at walang iba pang visa na inisyu pagkatapos ng bridging visa na ito.
Karagdagang impormasyon sa DASP
- Help with the DASP online application system (Tulong sa online application system ng DASP) (sa Ingles).
- Kung may mga tanong ka tungkol sa DASP, magtanong sa aming ATO Community (Komunidad ng ATO)External Link (sa Ingles).